#UnsentLetters: Wala Ka Na

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

#UnsentLetters: Wala Ka Na
How do you deal with the loss of your beloved father? One writes an unsent letter

Unsent  Letters is a newsletter curated by Shakira Sison featuring unspoken sentiments gathered from reader submissions. It features unsent letters to real and imagined lovers. Rappler publishes Unsent Letters every Saturday.

Nang makita ko ang huling paghinga mo at ang hindi na muling pagmulat ng mata mo, nagbago ang mundo ko at wala akong ideya kung ano ang tumama sa akin. Walang anumang salita ang makakatulong para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Yung sakit na parang may tumusok sa puso ko, hindi ako makahinga na parang dinudurog ang baga ko at parang literal na nabibiyak ang puso ko. 

Simula noon hanggang ngayon, wala akong ibang ginawa kundi magcountdown sa muli mong pagbalik. Hindi pa ako handa nung umalis ka, pero napagtanto ko na kailanman ay hindi pala talaga ako magiging handa. 

Ang hirap kumain, ang hirap matulog. Tatlong kataga ang laging tumatakbo sa utak ko — WALA KA NA.  Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko nakikita kita, naririnig ko ang boses mo, naririnig ko ang tawa mo, nakikita ko ang iba’t ibang facial expressions mo at ang pinakamasakit dun, sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko babalik ako sa reyalidad na wala ka na. Isang struggle na tanggapin na totoo ang lahat ng mga ito at hindi ako nananaginip. 

Hinahanap-hanap ko pa din ang Sunday routine ko tuwing babalik ako ng Maynila. Magmamano ako sa’yo habang sinasabi mong “Ay paluwas na ba ang apo ko? Ihahatid ka ba ni Papa mo? Ay kailan ang uwi mo? Ay sya mag-iingat ang apo ko ha?” Gayundin naman tuwing darating ako galing Maynila. Nakaupo ka sa balkonahe para salubungin ako habang ngiting ngiting sinasabing “Aba’y narito na ang bunso ko.” Nais ko ulit marinig ang mga tanong mong, “Anong oras ka umalis ng Maynila? Ikaw ba’y busog? Kumain ka na diyan at nagluto ako ng pinangat” dahil alam mong paborito ko ‘yon.

Ganito pala ang pakiramdam pag sobrang mahal mo ang nawala. Yung tipong gagawin mo lahat-lahat bumalik lang sya at makasama mo muli. Na umabot pa sa punto na kahit alam ng utak ko na imposible, ay nagmakaawa pa din ako sa lahat ng dyos at santo na pagbigyan sana nila akong makasama ka at makakwentuhan ka, na sana makita ko kahit sandali ang magaganda mong mata na nangungusap.

Alam ko magkikita pa tayo, hindi man sa lifetime na ito, alam ko isang araw, balang araw mayayakap kitang muli at sa pagkakataong yun hinding-hindi ko na hahayaang mawala ka ulit, maghapon at magdamag tayong magkakantahan at magtatawanan. At ngayon pa lang Tatay, looking forward na ako dun. – Rappler.com

Do you have your own Unsent Letter? Send them to unsentletters@rappler.com. Selected letters will be anonymized and edited for clarity and brevity. By submitting to Unsent Letters, you represent that the work is your own and that you waive your rights to it for present and future publication.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!